Sa una lang daw mahirap,
Noon ni hindi mahagilap
Mga bituing kumikislap
Nawawala sa isang iglap
Tinahak ang isang landas
Masilayan lang ang pangarap
Batid ang takot at pangamba
Na ang kapalit ng lahat ay luha
Ngunit sa gitna ng ligalig
Nanatiling matibay ang pulso at isip
Na kalaona'y masisilayan
Ang tagumpay na nakalaan
Noon ni hindi mahagilap
Mga bituing kumikislap
Nawawala sa isang iglap
Tinahak ang isang landas
Masilayan lang ang pangarap
Batid ang takot at pangamba
Na ang kapalit ng lahat ay luha
Ngunit sa gitna ng ligalig
Nanatiling matibay ang pulso at isip
Na kalaona'y masisilayan
Ang tagumpay na nakalaan